Nagpatawag ng pulong ang lokal na pamahalaan ng Manaoag sa mga poultry owners dito upang ipanawagan ang kanilang hakbang sa pagdami ng langaw.
Una ritong sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang loading ng mga manok sa isang poultry farm matapos itong lumabag sa sanitary requirements at pagdami ng langaw na nakaapekto sa mga bahay na malalapit dito.
Binigyang diin ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario na hindi kailangang makompromiso ang kaligtasan at kalusugan ng mga residente sa Manaoag.
Kung hindi man susunod ang mga ito sa ipinatutupad na standards, hindi magdadalawang-isip ang alkalde na maglabas muli ng suspension o pagpapasara ng kanilang poultry farm.
Sinabi naman ni Atty. Geraldine Baniqued, ang Legal Officer ng LGU Manaoag, kinakailangang tumalima ang mga poultry farms sa sanitary requirements bago pa man ang operasyon ng mga ito.
Inabisuhan naman ang poultry farm na nagkaroon ng suspensyon na sumunod sa compliance upang mapayagan muli ito sa pagbababa ng mga manok. | ifmnews
Facebook Comments