MANILA – Sisimulan na ng Department of Justice (DOJ) sa Abril ang preliminary investigation hinggil sa $81 Million Money Laundering Scandal.Ayon sa DOJ – magsisimula ang preliminary investigation sa Abril 12 at Abril 19.Hinihintay na lang ng DOJ kung hihingin ng Senado ang maanomalyang bank records ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na dawit sa $81 Million banking heist.Hawak na kasi ng DOJ ang bank records ng mga umano’y sangkot sa money laundering na sina Michael Francisco cruz, Jessie Christopher M. Lagrosas, Alfred Santos Vergara, Enrico Teodoro Vasquez at William Go.Ang kopya ng bank accounts ay kinuha umano sa Anti-Money Laundering Council at kanilang ginamit na ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban kay RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito.Nagpahiwatig naman ang mga opisyal ng DOJ na maaari pang madagdagan ang mga indibidwal na makakasuhan kaugnay ng naturang iskandalo.
Preliminary Investigation Hinggil Sa 81 Million Dollar Money Laundering Scandal – Sisimulan Na Sa Susunod Na Buwan
Facebook Comments