18july2017Naga City – Kung maaga ngayon ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police para matiyak na maging maayos at mapayapa ang pagdaraos ng Peñafrancia Fiesta sa darating na Setyembre, ganito rin kaaga ngayon ang paghahanda ng Executive Committee ng Miss Bicolandia Pageant sa pangunguna ni City Councilor Jose “Sonny” Rañola.
Sa ipinarating na impormasyon ni Rañola sa RMN DWNX 1611, iipunin ngayong araw – July 18,2017, ang mga talent scouts sa buong rehiyon ng Bicol para pag-usapan ang magiging aktibidad para sa taunang Miss Bicolandia Beauty Pageant – isa sa mga major features sa pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta ng Naga City ngayong darating na buwan ng Setyembre. .
Ayon kay Rañola, malaki ang maitutulong ng mga talent scouts para sa mas malawak na recruitment ng mga kandidata galing sa anim na probinsiya at pitong siyudad ng Bicol region. Hangad ng committee na gawing mas makulay at mas bongga ang presentasyon ng Miss Bicolandia ngayong Setyembre 2017 na siyang pinakamalaking and longest-running beauty pageant sa rehiyon.
Si Rañola ay isa sa mga pangunahing personalidad na humahawak ng Beauty Pageant sa pamamagitan ng Miss Bicolandia Executive Committee kahit pa noong kapanahunan ni late DILG Secretary at dating Naga City Mayor Jessie Robredo. –graceinocentes/rmn naga/dwnx-am
Tags: Grace Inocentes, Ed Ventura, rmn naga, DWNX-AM 1611, doble pasada, Peñafrancia Fiesta, Miss Bicolandia, Bicol Beauty Pageant, Councilor Jose Rañola, DWNX Kwarenta Y Singko
Preparasyon Para Sa Miss Bicolandia 2017, Kasado Na
Facebook Comments