Manila, Philippines – Plano ng Senate Committee on Labor na magsagawa ng pagdinig upang alamin ang kongkretong plano ng mga ahensya ng gobyerno para mailigtas at mailikas mula sa Middle East ang mga Pilipino.
Ito ang inihayag ni Committee Chairman Senator Joel Villanueva sa harap ng tensyon sa pagitan ng America at Iran.
Ayon kay Villaneuva, kabilang sa nga iimbitahan sa pagdinig ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Ipinaliwanag ni Villanueva na layunin ng pagdinig na madetermina ang kakayanan at kahandaan ng pamahalaan para mailikas ang napakaraming Pilipino na naninirahan at nagtatabaho sa gitnang silangan.
Binanggit ni Villanueva na base sa datus ng Labor Department, noong June 2019 ay umaabot na sa 2.17 million ang mga Pilipino sa gitnang silangan.