Preso sa Kalibo Police station binugbog ng kapwa preso

Kalibo, Aklan— Pinagsisipa at pinagsusuntok ang isang preso sa loob ng lock up cell ng Kalibo Police Station ng kapareho ring preso kaninang madaling araw.
Nakilala ang biktimang si Gerome Tolentino 37 anyos residente ng sitio Cabas Brgy. Andagao Kalibo.
Nahaharap sa kasong Physical injury at Disobedience ang mga suspek na sina Jhonrey Esmeralda at Alfred Inan parehong residente ng Brgy. Bachao Sur Kalibo.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad na nangyari ang pananakit ng dalawa sa biktima kaninang alas 12:53 ng madaling araw habang nakakulong ang mga ito.
Agad na napansin ng mga nakaduting pulis ang ingay sa loob ng kulungan at mabilis na napahinto ang pananakit kay Gerome.
Matapos na maawat ay dinala sa pagamutan ang biktima samantalang ipinaliwanag naman ng mga otoridad sa dalawang suspek ang karagdang kasong isasampa sa mga ito.
Napag-alaman na ikinulong sina Esmeralda at Inan dahil sa paglabag sa Municipal Ordinance 2020-004 o curfew kagabi, habang si Tolentino naman ay inireklamo ng Alarm and Scandal.

Facebook Comments