Malay, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan kaninang umaga ang isang preso sa lock up cell ng Malay MPS sa bayan ng Malay, Aklan matapos itong magbigti. Sa panayam ng RMN News Team kay PLTCOL. Don Dicksie De Dios, Chief of Police ng Malay PNP na ang nasabing preso ay isang construction worker, 46-anyos, tubong Calbayog City at kasalukuyang nakatira sa Cubay Sur sa bayan ng Malay. Nakulong ito matapos na inireklamo ng kanyang asawa ng pananakit at kinasuhan ng paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act. Kaninang umaga sana nakatakda itong i-remit sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) pero natagpuan na lamang itong walang buhay na nakabitin malapit sa may CR gamit ang sinturon at tali ng handbag. Napag-alaman rin ng News Team na kahapon ay dinalaw pa ito ng kanyang asawa at nagsabi ito na kapag hindi siya patawarin ay magpapakamatay ito at kanya ngang tinotoo. Samantala, para naman sa transparency ay nag request naman si PLTCOL. De Dios ng PNP Crime Lab para na isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima. Sa ngayon ay ni relieve muna ang Deputy COP ng Malay PNP na siyang duty nang mangyari ang insidente para na hindi maimpluwensyahan ang isinasagawang imbestigasyon.
Facebook Comments