SUSPEK SA PANGGAGAHASA, ARESTADO SA PEÑABLANCA

21
Nadakip ng PNP Peñablanca ang isang suspek sa panggagahasa at tinagurian din bilang Regional Top 3 Most Wanted Person, sa Purok 4, Brgy. Nabbabalayan, Peñablanca, Cagayan, nitong ika-3 ng Oktubre, alas nwebe ng umaga taong kasalukuyan.

Ang suspek ay kinilala bilang alyas Peping, 21 taong gulang, binata, magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek ng pinagsamang pwersa ng Peñablanca Police Station kasama ng Regional Intelligence Unit 2, Cagayan Provincial Intelligence/Provincial Drug Enforcement Unit, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, at 204th Maneuver Company- Regional Mobile Force Battalion 2, sa bisa ng isang warrant of arrest.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiaya na ng PNP Peñablanca para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Facebook Comments