Bumaba ngayon ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Dagupan City.
Hanggang P2-3 ang ibinaba ng commercial rice sa lungsod kung saan nasa P33 ang pinakamababang presyo ngayon ng bigas sa Malimgas Public Market sa lungsod kung dati ay nasa P36-37 ang kada kilo nito.
Nasa P40-50 naman ang pinakamahal na bigas o first class rice.
Kadalasang inaangkat umano ang mga bigas sa mga lalawigan ng Cagayan at Nueva Ecija.
Sa isang panayam, sinabi ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na mananatiling matatag ang suplay ng bigas sa kabila ng mga nagdaang bagyo.
Laking tulong naman sa ilang residente ang natapyas na presyo ng bigas dahil papaano umano ay mababawasan na ang kanilang iniisip sa ilang bilihing nagtaas ng presyo.

Facebook Comments