Presyo ng Gulay, Isda at Karneng baboy sa Isabela, Walang Paggalaw

Cauayan City, Isabela- Walang paggalaw ng presyo sa mga gulay at karneng baboy sa lalawigan ng Isabela matapos ang matinding pagbaha dala ng bagyong Ulysses.

Ito ang naging paglilinaw ni Governor Rodito Albano III makaraang mapaulat na sumipa ang presyo ng mga gulay at karneng baboy sa probinsya matapos ang kalamidad.

Ayon pa sa gobernador, hindi naman naapektuhan ang suplay ng karne ng baboy kahit nananatili ang banta ng African Swine Fever (ASF) habang tumanggap naman ng iba’t ibang klase ng gulay ang lalawigan mula sa Benguet.


Nagpatupad na ng price freeze ang gobyerno sa mga agricultural at fishery products, at basic essential goods sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Kabilang sa basic agri-fishery commodities na saklaw ng price control ang mga sumusunod:

– Bangus – P169 – Tilapia – P120 – Imported na galunggong – P180 – Lokal na galunggong – P140 – Karneng baboy (pigue/kasim) – P260 – Karneng baboy (liempo) – P280 – Karneng manok (whole) – P130 – Refined sugar – P50 – Brown sugar – P45 – Pulang sibuyas – P100 – Bawang – P100 – Imported rice: special – P52; premium – P43; well-milled – P38 – Local rice: special – P53; premium – P45; well-milled – P40 – Itlog ng manok (medium) – P6.50 per piece – Cooking oil (30 ml) – P25 – Cooking oil (1 liter) – P50

Nagsimula na rin na maglinis sa mga binahang lugar upang maiwasan naman ang pagkalat ng sakit tulad ng dengue at diarrhea.

Nagpamahagi naman ng libu-libong sako ng bigas ang National Food Authority na ipamimigay sa mga biktima ng bagyo.

Samantala, muli namang nagpaalala ang opisyal sa publiko na sundin pa rin ang health protocol laban sa COVID-19.

Facebook Comments