Presyo ng ilang noche buena products, tumaas!

Manila, Philippines – Tumaas na ang ilang produktong pang-noche buena.

Ayon kay Dept. of Trade and Industry (DTI) Assistant Director Lilian Salonga – limang piso hanggang 11 pesos ang itinaas sa presyo ng hamon.

10 hanggang 14 pesos naman sa keso de bola depende sa brand.


Mayroon ding pagtaas sa presyo ng fruit cocktail.

Sa ngayon, wala pang paggalaw sa presyo ng pasta, macaroni at ilang brand ng kondensada at creamer.

Facebook Comments