Presyo ng imported na bigas, tumaas na rin!

Ramdam na rin ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na partikular na tumaas ang presyo ng imported na bigas.

Ayon kay So, nasa 50 dollars per metric tons ang itinaas sa world market ng imported rice.


Sa kabila nito, sinabi ni So na bahagya pa ring mababa ang presyo ng local rice na naglalaro ngayon sa ₱38 hanggang ₱40 kada kilo.

Bukod sa bigas, may pagtaas na rin sa presyo ng mga gulay.

Ayon kay So, bagama’t hindi masyadong gumalaw ang farmgate price ng mga gulay, tumaas naman ang transportation cost ng mga ito.

Pinangangambahan na mas tumaas pa ang presyo ng gulay at isda ngayong panahon na tag-ulan.

Facebook Comments