Presyo ng karneng baboy, posibleng lalo pang tumaas ngayong holiday season

Pinangangambahan na aabot sa 20 pesos ang itataas sa presyo ng karneng baboy sa bansa bago sumapit ang Disyembre.

Ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) President Nick Briones, dahil ito sa pagmahal ng raw materials na ginagamit sa paggawa ng feeds, at sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.

Nakaapekto rin aniya ang banta ng African Swine Fever (ASF) na kasalukuyang may naitatala pa ring aktibong kaso sa 12 na lalawigan at 22 na bayan sa bansa.


Dagdag pa ni Briones, hindi pa rin nakakabawi ang mga hog raisers mula sa problemang idinulot ng ASF sa kanilang hanapbuhay.

Facebook Comments