Presyo ng mais, kailangang higit na tutukan ng gobyerno kahit bumaba ang inflation rate ngayong Agosto

Ikinalugod ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang pagbaba ng inflation rate sa 3.3 percent nitong buwan ng Agosto kung saan kahit papaano ay makakahinga ang lahat lalo na ang mga mamimili.

At kahit kumalma ang inflation rate o galaw ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin ay iminungkahi pa rin ni Salceda ang higit na pagtutok sa presyo ng mais.

Ayon kay Salceda, kung nais natin na mapigilan ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain ay kailangang tutukan ang presyo ng mais na nakakaapekto rin sa presyo ng mga poultry products tulad ng manok.


Bunsod nito ay umaasa si Salceda na lalong pagsusumikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng kanyang agriculture and food security team na mapababa ang presyo ng mais gayundin ng bigas sa mga susunod na buwan lalo’t papalapit na ang panahon ng anihan.

Facebook Comments