Monday, February 2, 2026

PRESYO NG MGA BULAKLAK SA DAGUPAN CITY, UNTI-UNTI NANG TUMATAAS

Dalawang linggo bago sumapit ang araw ng mga puso, nakitaan na ng pagtaas ang presyo ng mga bulaklak na ibinibenta sa Dagupan City.

Ayon kay Cristal Soy, florist ng Highlands Flower Shop, tumataas na ang demand kaya mataas na rin ang bigay sa kanila ng mga supplier, na nagdudulot ng pagtataas nila ng presyo.

Aniya, ang rosas na karaniwang nasa 1,200 pesos ang isang dosena ay posibleng sumipa hanggang 1,500 pesos; gayundin ang tulips, carnation at gerbera.

Matatag naman ang supply ng bulaklak, lalo na ngayong nararamdaman ang malamig na panahon.

Umaasa naman ang mga flower shop at stores na mauubos ang kanilang mga paninda ngayong Valentine season.

Facebook Comments