Saturday, February 14, 2026

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, tumaas na; mga mamimili, dagsa na ngayong umaga

Love is the air dahil ramdam na ramdam na ang Araw ng mga Puso sa malaking flower market sa Manila, ang Dangwa.

Sa panayam ng DZXL kay Moises, isa sa mga nagtitinda ng bulaklak sa Dangwa, sinabi nyang mas tumaas ang presyo ng bulaklak ngayong Araw ng Puso pero aasahan naman na mamayang gabi ay babagsak na rin ang presyo nito.

Ayon sa ilang mga nagtitinda, nakadepende syempre ang presyo ng bulaklak base sa kung ilang piraso, disenyo, at uri ng bulaklak.

Naglalaro ang presyo ng mga bulaklak na kada piraso P100-250

Habang yung malalaki at mga may desinyo naman nasa P500-2500.

Pero mayroong mga bulaklak na umaabot sa P25,000, ito yung 100 piraso na rose boquet na pinasadya.

Bukod sa fresh na bulaklak, mayroon ding mga tinitindang mga artificial flowers, na gawa sa mga pinatuyong dahon, satin, at yung mga fuzzy wire na naglalaro sa P100- 850.

Samantala, sa panayam naman natin sa mga namimili kagaya ni Louise, naging tradisyon na nya ang bumili sa Dangwa para sa kanyang mga magulang at lola.

Habang ang magkasintahan naman ni si JL at Charlotte ay dumayo pa mula Cavite para magpagawa ng gustong bulaklak at design ni Charlotte.

Pero bago ang lahat mga kasama, isang paalala lang, tandaan na wala sa laki o klase bulaklak natin maipapadama ang ating pagmamahal sa isang tao, ang pinakamurang maibibigay natin sa kanila ay salitang “Mahal Kita” o “I Love you”.

Facebook Comments