Presyo ng petrolyo sa Pilipinas, mura kumpara sa ibang kalapit na bansa

Mura ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.

Ito ay batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE).

Pero ayon kay Rino Abad, DOE-Oil Industry Management Bureau Director – pabago-bago ang presyo ng imported na petrolyo kaya posibleng tumaas muli ang presyo sa susunod na linggo.


Sa Pilipinas, tinatayang nasa ₱40.87 ang kada litro ng diesel at ₱50.58 pesos kada litro ng gasolina.

Mas mura ito kumapara sa presyo ng diesel at gasolina sa Singapore, New Zealand, Japan, Thailand at China.

Facebook Comments