Mga suspek sa pagpatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental, tukoy na!

Tukoy na ang mga suspek sa pagpatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Base sa report ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), kinilala ang mga suspek na sina:

  • Jonathan Baldivino
  • Rengie Anadon Baluhabo
  • Gelie Anadon Ebedo
  • Joseph Torres Ogates
  • Jelly Anadon Ebedo

Hawak na ng awtoridad ang isa sa kanila na si Victoriano Bangala Anadon Jr.

Pawang mga miyembro ang mga ito ng New People’s Army (NPA) na nagnanais na takutin ang mga residente para sumuporta muli sa kanila.

Lumalabas na summary execution at hindi ambush ang nangyari sa apat na pulis.

Hinikayat naman ni PNP Chief, General Oscar Albayalde ang mga residenteng nakakita sa insidente na lumutang ang makipagtulungan sa kanila.

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng 1.3 million pesos na pabuya sa mga makakapagturo sa mga suspek.

Facebook Comments