Dagupan City – Isang linggo bago ang pasukan sa Hunyo 3 siniguro ng Department of Trade and Industry na wala pang pagtaas ng presyo sa mga school supplies. Ngunit nilinaw nila na maaaring magkaroon ng paggalaw sa presyo sa mga darating na araw kaya naman hinihikayat na nila ang mga magulang na mamili na ng maaga.
Ayon kay Ms. Marjury Lurenzo ng DTI Pangasinan hanggang sa ngayon ang ginagamit nilang batayan ng presyo sa mga school supplies ang suggested retail price ay ang Mayo 2018 parin.
Samantala nagsasagawa naman ang ahensya ng Diskwento Caravan sa Anda at Bolinao upang ayudahan ang mga magulang at estudyante sa nasabing lugar na malayo sa mga major malls o pamilihan ng lalawigan. Tiniyak ng DTI Pangasinan na magsasagawa rin sila ng mahigpit na monitoring sa mga mall at pamilihan na mag-overpricing na labag sa Republic Act 7581 o mas kilala bilang The Price Act.
Maaring bisitahin ang Gabay sa Presyo ng School Supplies ng Department of Industry para sa karagdagang impormasyon.