Kathryn Bernardo, ibinahagi ang kaniyang ‘love letter’ para kay Daniel Padilla sa kanilang 7th anniversary

Image via Daniel Padilla Official @supremo_dp on Instagram

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang kaniyang ‘love letter’ para kay Daniel Padilla sa kanilang ikapitong anibersaryo bilang magkasintahan.

Agad na kinilig ang KathNiels sa pagbabahagi ni Kathryn ng sweet at cheesy na message sa kasintahan.

Ayon kay Kathryn, hindi planado, hindi pinuwersa ang pagmamahalan nila ni Daniel. Sinabi niyang hindi nila sinukuan pareho ang isa’t isa kahit ano pa man ang mangyari.


Inihalintulad niya ang mga naging karakter ni Daniel sa mga proyekting kanilang pinagsamahan tulad ni Patrick sa Growing Up, Gino sa The Princess and I, Joaquin sa Got to Believe, Dos sa Can’t Help Falling Inlove at Primo sa The Hows of Us.

Ibinahagi rin ni Kathryn ang mga simple sweet gestures ni Daniel sa kaniya at kung paano siya bilang isang nobyo.

“But I love even the things I hate about you— because you’re real, and because these ordinary things make our relationship extraordinary,” pahayag ni Kathryn.

“Falling and staying inlove with you is the best decision I’ve ever made,” dagdag niya.Image

 

 

Facebook Comments