PRIORITY | BOL at NEP, top priorities ngayong pagbubukas ng 3rd regular session ng 17th congress

Manila, Philippines – Inilatag ng Kapulungan ng Kongreso ang mga pangunahing agenda sa unang araw ng pagbubukas ng sesyon para sa 3rd regular session ng 17th Congress.

Inaasahan na mararatipikahan ng Kamara at Senado sa sesyon ngayong umaga ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Tiniyak ni House Majority Leader Rodolfo FariƱas na isusumite nila sa plenaryo ang inaprubahang bicam report para sa BOL upang agad na nilang maratipikahan.


Kaugnay dito, bago ang mismong ikatlong SONA ni Pangulong Duterte mamayang alas kwatro ng hapon ay inaasahan na mapipirmahan na ng Presidente ang BOL para sa itatatag na Bangsamoro Region kapalit ng ARMM.

Isusumite din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Expenditure Program (NEP) o ang pambansang pondo para sa 2019 na aabot sa P3.757 Trillion.

Pinakamalaking bahagi pa rin ng national budget ay mapupunta sa sektor ng edukasyon na aabot sa P659.3 Billion, mas mataas kumpara sa P587.1 Billion ngayong 2019.

Magsisimula ang sesyon ngayong alas dyes ng umaga na susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang ng Tagum City Chamber Chorale.

Ngayong umaga din ay magpapasa ng joint resolution ang Kongreso para i-notify ang Pangulo sa nakatakdang SONA nito sa hapon.

Facebook Comments