Walang ligtas kahit na yaong mga kakaupo lamang sa pwesto na barangay ooficials, kung mapapatunayang gumawa ng krimen o sangkot sa iligal na aktibidad ay hinding-hindi sila makaka-alpas sa batas.
Ito ang naging pahayag ni Police Regional Office 12 Dir. PCSupt Marcelo C. Morales matapos ang pagkakahuli sa isang barangay chairman sa North Cotabato dahil sa pag-iingat ng iba’t-ibang uri ng mga baril.
Sinabi pa ni PCSupt. Morales na laging mahigpit ang kanyang paalala na tiyak na kamatayan ang kakahantungan ng sino mang manlalaban sa law enforcers sa mga operasyon.
Biyernes ng madaling araw nang isilbi ng Regional Mobile Force Battalion 12 at Regional Police Drug Enforcement Unit 12 ang dalawang Search Warrants para kay incumbent barangay chairman Elmer Siawan Manumba Sr. ng Barangay Tagbak, Magpet, North Cotabato.
Nasawi sa naturang operasyon ang CAFGU member na pamangkin ni chairman matapos na magpaputok at manlaban sa operating team. Nakuha sa posisyon ni chairman Manumba ang (1) Unit Cal 9mm Parabellum pistol na may mga bala.
Sa paghalughog pa ng mga otoridad sa tahanan ng barangay official ay narekober ang iba’t-ibang uri ng matataas at malalakas na uri ng baril, mayroon ding pampasabog.
PRO-12 Dir. Morales, binalaan ang barangay officials na sangkot sa illegal activiries!
Facebook Comments