*Dumalaw kahapon sa Cotabato City Police Office si PRO-12 Regional Director Police C/Supt.Marcelo Morales at nakipagpulong kay City PNP Director Police Sr.Supt.Rolly Octavio at sa mga opisyal ng CCPO.*
*Pinag-usapan nila ang crime situation sa lungsod kung saan ipinagmalaki naman ni Col.Octavio na bumaba ang crime rate sa lungsod sa nakalipas na taon at zero fire cracker at gunshot related injury ang nangyari sa pagsalubong ng pasko at bagong taon.*
*Pinresenta din ni Col.Octavio ang security deployment at disposition ng tropa ng city police office..Sa ngayon ay hindi parin ibinababa ng kapulisan ang security alert dahil narin sa banta ng mga terorista.*
Facebook Comments