PRO2, Nagsagawa ng ‘Outreach Activities’ sa Probinsya ng Isabela

*Cauayan City, Isabela- *Nagsagawa ng Outreach Program ang pamunuan ng Police Regional Office No. 2 sa Bayan ng Sta. Maria at Siyudad ng Ilagan, Isabela, kahapon.

Ito ay upang mabigyan ng pansin ang humigit kumulang na 300 pamilya sa Brgy. Calamagui North, Sta. Maria at Brgy. Capellan, Ilagan City, Isabela.

Ilan sa mga aktibidad ay ang pagbibigay ng regalo na pinangunahan ng PRO2 Ladies Club; Distribution ng IEC materials; Medical at Dental Mission na inorganisa naman ng Regional Health Service 2 sa pakikipagtulungan ng LGUs, Bureau of Fire Protection at Department of Health.


Sa talumpati ni PBGen. Angelito Casimiro, ang kapulisan ay laging nakatuon sa kanilang sinumpaang tungkulin at pagpapatunay sa kanilang serbisyo publiko.

* “Sana makapagbigay ngiti at saya sa inyo sapagkat sa amin dulot nito ay nag uumapaw na saya. Laking pasasalamat namin dahil nandito kayo ngayon, kung wala kayo, hindi maisasakatuparan ang outreach program na ito. Sa ganitong mga aktibidad kayo ang bida. Nandito kami bilang mga kuya, ate kapatid na handang makinig kung kayo ay may gustong ikwento o sabihin at kami ay handang tumulong sa abot ng aming makakaya” Ani RD Casimiro.*

Ang nasbaing aktibidad ay bahagi ng pagtulong ng kapulisan upang matiyak na matugunan ang mga pamilyang walang kakayahang tugunan ang kailang pangangailangan lalo na sa malalayong lugar. Ito rin ay upang bigyan ng oras na mabisita ang mga Agta Community.

Facebook Comments