Posible umanong may problema sa electrical connection ang nagging sanhi ng sunog sa pamamahay ni Sam Sali sa bahagi ng kampo muslim noong biyernes ng hapon…Ito ang lumalabas sa paunang inbestigasyon ng Bureau of Fire Cot.City base sa inisyal na pagtatanong sa mga tao sa naturang bahay.
Sinabi ni FO2 Aldrin Nara, spokesman ng BFP Cotabto City, na nagsimula umano ang apoy sa kisame ng likod ng bahay ni Sam sa ground floor ng 3 storey building nito…Mabilis umanong kumalat ang apoy at malaki na masyado ng itinawag sa kanilang opisina. Maswerteng walang nasaktan sa sunog at hindi narin tumawid sa katabing mga bahay ang apoy.Ayon kay FO2 Nara nasa 1.5 milyon pesos ang inisyal na damage sa sunog na posibleng lalaki pa umano.Ito na ang pangalawang beses na nasunugan ng bahay si Sam Sali.
Samantala May paalala naman si FO2 Nara sa publiko na dapat daw e-check ang electrical connection sa mga bahay, lalo na raw yung mahigit nasa sampung taon na hindi nasuri…Kailangan epa-check sa mga license electrician ang mga wirings para makaiwas sa sunog.
Problema sa electrical connection isa sa dahilan ng sanhi ng sunog sa bahay ng Broadkaster
Facebook Comments