Wednesday, March 18, 2026

Problema sa kawalan ng immigration records, nagiging hadlang sa paglilikas ng ilang Pinoy sa Middle East

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na problema sa immigration records at nawawalang travel documents ang nagiging hadlang sa paglilikas ng ilang Pinoy sa Middle East.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ilan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay hindi agad maililikas dahil sa kakulangan ng immigration documents tulad ng passport.

Tiniyak ng DMW na nakikipag-ugnayan na sila sa employers ng mga Pinoy worker, gayundin sa recruitment agencies at sa mga foreign counterpart ng mga ito upang maayos ang problema.

Nagpaalala rin ang DMW sa mga employer na ang pagtatago ng passports ng OFWs ay labag sa employment contracts ng mga manggagawa.

Bukod dito, problema rin ang pending immigration cases ng ilang Pinoy sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments