Pang-apat na vaccination hub, bubuksan ngayong araw sa Muntinlupa City

114

Bubuksan ngayong araw ang pang-apat na major vaccination hub sa Muntinlupa City.

Partikular na bubuksan ang 4th vaccination hub sa Brgy. Sucat, Covered Court.


Muli namang pinaalalahanan ng Muntinlupa Local Government Unit (LGU) ang mga mamamayan nito na magparehistro online para mapabilang sa vaccination program.

Batay naman sa pinakahuling datos ng Muntinlupa LGU, as of May 1 ay 24,163 na ang nabakuhan na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa nasabing bilang, 19,991 ang nabakunahan ng Sinovac at 4,172 naman ang AstraZeneca.

843 ng mga residente ng lungsod na nasa priority groups ang nakatanggap naman na ng second dose.



Facebook Comments