Kalibo, Aklan— Tinalakay sa isinagawang pagpupulong noong nakaraang linggo ng LGU Kalibo at Department of Environment and Natural Resources Aklan ang Coastal Management Plan ng munisipyo. Ayon kay SB Member Ronald Marte na ibinahagi ng LGU sa DENR ang Integrated Coastal Management kung saan plano ng munisipyo na idevelop ang coastal areas para gawing tourism at economic zone. Dagdag pa nito na dahil dumarami ang mga illegal settlers sa lugar partikular na sa Lambingan Beach Brgy. Pook, kasama umano sa development ang pagkakaroon ng housing project sa bayan at livelihood para sa mga illegal settlers. Ipinasiguro rin nito na kakambal ng development sa lugar ay pangangalaga sa kapaligiran dahil kalakip ng coastal management plan ang pagsunod sa mga guidelines ng DENR. Napag alaman na maliban sa illegal settlers pinag uaapan rin sa nasabing pulong ang problema sa erosion at polusyon. Dahil hanggad ng Kalibo na maging isang ganap na syudad, bumuo rin ang LGU ng local legislative and executive advisory council para rito. Vision aniya ng LGU na maging isang Greener City kung saan magkakaroon ng economic development at pangangalaga sa kapaligiran.
Problema sa pollution at illegal settlers sa mga coastal areas sa Kalibo tinalakay kasama ang DENR
Facebook Comments