Ito ay matapos ang isang buwan na pagsasanay ng anim na empleyado ng DA-BFAR na nakatalaga sa Cagayan Valley Marine Technology Outreach Station (CVMTOS) sa Taggat, Claveria, sa “Milkfish and Siganids Hatchery Operation and Management” na inorganisa ng DA-BFAR National Fisheries Development Center (NFDC) sa Bonuan, Binloc, Dagupan City.
Itinuro sa mga kalahok ang mga sikreto, karagdagang kaalaman at kasanayan sa pagpapatakbo at pamamahala sa tamang hatchery. Ibinahagi sa training ang brood stock management, feed formulation, feeding management, natural food production, egg collection and stocking, at larval rearing.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Aeron D. Mayor, DA-BFAR R02-CVMTOS head, na ipinadala ang mga technical staff sa nasabing pagsasanay bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng operasyon ng hatchery sa CVMTOS.
Sa ngayon, ginagamit pa lamang umano ang hatchery sa mullet species katulad ng isdang ludong at palalawakin naman ito bilang breeding at production ng siganid at milkfish.
Nakatakda namang magbigay ng siganid breeder, milkfish eggs at natural food para sa pagsisimula at kung sakaling maging matagumpay ay gagawin na ang full-blown hatchery operation sa Taggat, Claveria.