Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority o PSA na bumaba ang produksyon ng isda sa Pilipinas sa unang kwarter ng taon.
Ayon sa PSA, ito ay dahil sa mababang output mula sa municipal at commercial na sektor ng pangisdaan.
Mula sa 973,620 metrikong toneladang na nakolekta noong 2021, ay bumaba ito sa 971,501 ngayong taon.
Ilan sa mga produktong may mababang harvest output ay ang alimango, gulyasan at tunsoy.
Facebook Comments