Wagi ang isang Alaminians sa pamamayagpag ng talino at galing bilang kabilang sa hanay ng representante ng Pilipinas sa katatapos na Global IT Challenge (GITC) for Youth with Disabilities at napasakamay ang Good Award (Silver) sa kategoryang E-Content / Video Making na ginanap sa Abu Dhabi, United Arab Emirates noong ika 24 -29 ng Oktubre 2023.
Nagpamalas ng husay si Dave P. Soriano isang tubong Alaminos at tatlo niyang kasamahan mula sa Zamboanga at Isabela na kabilang sa Team “O” Philippines at nagpakitang gilas sa larangan ng Information Technology.
Kabilang ang Pilipinas sa labing-walong bansa sa buong mundo na nilahukan ng 461 kalahok at nagpasiklab hanggang sa Final Round.
Samantala, ang GITC ay isang taunang patimpalak para sa mga kabataang may kapansanan na maipakita ang kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng Information Technology.
Kaya naman mula dito sa iFM Dagupan, maraming salamat sa husay at galing na iyong ipinamalas bilang representante ng Pangasinan at lalo na ng bansang Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments