Proyekto ng RP-US Balikatan, Pasisinayaan Na!

City of Ilagan, Isabela – Pinasinayaan na ngayong araw ang itinayong gusali na may dalawang silid-aralan sa San Antonio Elementary School ng City of Ilagan bilang bahagi ng joint force project ng RP-US Balikatan 2018.

Ayon kay Captain Jefferson Somera, Division Public Affairs Officer ng 5th Infantry Star Division Philippine Army, ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng Humanitarian Civic Assistance-Engineer Civic Assistance Program o HCA-ENCAP ng RP-US Balikatan Exercises 2018 kung saan ay pinundohan ito ng nasa 1.7 milyong piso

Aniya bukas ay pasisinayaan rin ang ipinatayong gusali sa Alibagu Elementary School bilang pangalawang proyekto ng HCA-ENCAP ng RP-US Balikatan 2018 dito sa lalawigan ng Isabela kung saan mahigit sa tatlumpung miyembro ng US Army ang mga kasama ng kasundaluhan ng 5th IB na gumawa ng mga gusali.


Idinagdag pa ni Captain Somera na ang pagpapasinaya ay dadaluhan ng ilang local na opisyal ng Isabela lalo na kay Governor Faustino “Bojie” Dy III, mga opisyal ng US Marine Core at mula sa Division Head Quarters ng Philippine Army.

Facebook Comments