Manila, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Moro National Liberation Front (MNLF) founding Chairman Nur Misuari kagabi sa Malacañang.
Ayon kay Senator Bong Go – partikular na pinag-usapan ng dalawang lider ang pagkakasundo na bumuo ng coordinating body sa pagitan ng gobyerno at MNLF.
Sinabi ni Go na ito ang magsisilbing venue para masugpo na ang Abu Sayyaf Group (ASG) at makamit na ang kapayapaan sa Sulu.
Nakapaloob din sa GRP-MNLF coordinating committee ang mga paraan para makumbinsi ang iba pang miyembro ng MNLF na magbalik loob na sa gobyerno.
Itinakda sa Disyembre ang sunod ng pagpupulong nina Duterte at Misuari sa Davao City para ilatag at maplantsa ang lalamanin ng nasabing komite.
Facebook Comments