Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo sa mga sakripisyo nito para panatilihing ligtas ang bansa.
Tiniyak ng Pangulo na isusulong niya ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para magampanan pa nila ng maayos ang kanilang tungkulin.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa militar na pulbusin ang mga rebeldeng komunista at muling iginiit na hindi ito magpapatupad ng ceasefire ngayong holiday season.
Muli ring iginiit ng Pangulo na sasampalin niya si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison
Pinuri rin ng Pangulo ang mga magigiting na miyembro ng 10th Infantry Division dahil sa paglaban nito sa communist insurgents sa bansa.
Kumpiyansa rin ang Pangulo na patuloy na poprotektahan ng AFP ang bansa mula sa anumang banta at pananatilihin ang kapayapaan.