PRRD, nangakong ibibigay ang katarungan sa pagkamatay ng footballer na si Keith Absalon at kaniyang pinsan sa kamay ng CPP-NPA sa Masbate

Mariing kinokondena ng Palasyo ang nangyaring pagpatay sa Far Eastern University (FEU) football player na si Keith Absalon at kaniyang pinsan sa Masbate ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na masusi niyang paiimbestigahan ang nasabing insidente at papanagutin ang may sala.

Sinabi pa ni Roque, nakikiramay ang Palasyo sa pagkawala ng magpinsang Absalon.


Malinaw aniyang nilabag ng mga teroristang grupo ang crime against humanity maging ang International Humanitarian Law (IHL) at marapat lamang silang parusahan.

Dahil sa pagkawala ni Absalon, nawala rin ang karangalang maaari nitong ibigay sa bansa dahil sa kagagawan ng teroristang grupo.

Matatandaang inako ng CPP-NPA ang pagpapasabog ng improvised explosive device sa lungsod ng Masbate nitong nakaraang Linggo dahilan nang pagkamatay ng magpinsang Absalon.

Facebook Comments