PRRD, pinagbibitiw ang mga PhilHealth official

Manila, Philippines – Pinagsusumite na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng courtesy resignation letter ang mga opisyal ng PhilHealth kasunod ito ng mga ghost claims.

Ayon kay Go, nais ng Pangulo ng clean slate sa pamunuan ng PhilHealth.

Aniya, kailangan rin maklaro kung paano nakalusot ng napakatagal na panahon ang anomalya ng fraudulent claims sa pamamalakad ng kasalukuyang mga opisyal.


Kasabay nito, sinabi ni Go na inutusan ng Pangulo ang NBI na imbestigahan ito sa mabilisang panahon.

Sa ngayon aniya ay Plantilla officials muna ang temporary na mamamalakad sa PhilHealth at ma-a-assign sila under the Office of the President.

Magkakaroon rin aniya ng malawakang revamp o balasahan sa iba pang mga opisyal ng PhilHealth para hindi na maulit ang nasabing anomalya.

Facebook Comments