PRRD, walang balak na palawakin ang New Bilibid Prisons

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na palawakin pa ang New Bilibid Prison (NBP).

Ito ay sa kabila ng nararanasang problemagaya ng Jail Congestion na nagreresulta sa pagkakasakit at pagkakamatay ng ilang bilanggo.

Ayon sa Pangulo, mas gugustuhin niyang magtiis ang mga inmate sa siksikang kulungan kaysa sa magtayo ng bagong pasilidad para sa kanila.


Bilang dating Procecutor, naniniwala ang Pangulo na may ilang inmates ang nararapat na mabulok sa kulungan.

Itinanggi rin ng Pangulo na ipinag-utos niya sa mga awtoridad na patayin ang mga drug suspek na sumusuko.

Facebook Comments