Public Hearing isasagawa bukas sa Surigao City sa pagtalakay sa Comprehensive Traffic Code. Ayon kay City Councilor Jose Edradan Jr., ang Chairman sa Committee on Transportation, Communication and Utilities sa Sangguniang Panlungsod kinailangan ang Public Hearing para maipasa ang bagong ordinansa sa Comprehensive Traffic Code. Diumano’y sa nakalipas na mga taon, umabot sa anim na ordinansa ang naipasa para sa trapiko, ito’y kinabibilangan ng Ordinance 228,235,256,269,325 at 347. Sa dami ng mga ordinansa na kailangang isaulo ng mga traffic enforcers nahihirapan ang mga ito sa pagpapatupad ng batas trapiko. Inaasahan na kung maipasa ang Comprehensive Traffic Ordinance napaloob na ang lahat ng mga reglamentos sa mas epektibong batas trapiko.
Public Hearing isasagawa bukas sa Surigao City sa pagtalakay sa Comprehensive Traffic Code
Facebook Comments