Nagsagawa ng public hearing ang Committee on Transportation at Committee on Barangay Affairs ng Sangguniang Panlungsod at tinalakay ang usapin ng pagbuo ng City Ordinance na pagbabawal ng bumiyahe ang mga payong-payong sa mga lansangan ng De Masenod street, SK Pendatun avenue, sa Notre Dame avenue, Ancleto Badoy steet at Tamse Road. Nanguna sa Public Hearing sina Councilor Eduardo Rabago, Councilor Anthony Ross at Councilor Hassan Biruar, dumalo din sina kapitan Johair Madag ng Poblacion dos at kapitan Juhair Toti ng poblacion tres. Sa ngayon kasi napakarami paring payong-payong ang dumadaan sa naturang mga kalye sa kabila ng pagbabawal sa kanila na bumiyahe sa nasabing mga lansangan. Nakadagdag din sa traffic ang mga payong-payong kayat bago tuluyan maisara ang quirino bridge at lahat ng sasakyan ay dadaan nasa college area ay pagbawalan na ang sa naturang mga daan.
Public Hearing isinagawa tungkol sa pagbabawal sa mga Payong Payong sa lansangan
Facebook Comments