MANILA – Nakaburol na ang mga labi ni Dating Senador Miriam Defensor Santiago sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao, Quezon City.Pasado alas 8 kagabi ng dumating ang mga labi nito at idiniretso sa Cathedral Grotto.Sandaling isinara sa publiko ang burol para mabigyan ng panahon ang pamilya Santiago na makapiling ang senadora.Pagkatapos nito ay napagdesisyunan ng pamilya na gawing 24-oras ang public viewing para sa sinumang nais na makiramay… at magpapatuloy ito hanggang sa October 4.Ililibing si Santiago sa tabi ng puntod ng kanyang anak na si Alexander sa Loyola Memorial Park sa Marikina, batay na rin sa habilin ng senadora.Samantala, una nang nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa pamilya Santiago.Nakahalf mast narin ang watawat ng Pilipinas sa Senado bilang pagluluksa sa pagkawala ng senadora.Kahapon, pumanaw si Santiago matapos ang dalawang taong pakikipaglaban sa sakit na lung cancer.
Public Viewing Sa Labi Ni Sen. Miriam Defensor Santiago, Binuksan 24-Oras
Facebook Comments