Pangulong Duterte, Balik Bansa Na Matapos Ang Dalawang Araw Na Working Visit Sa Vietnam

7

DAVAO CITY – Balik bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa matagumpay na dalawang araw na working visit sa Veitnam.Alas dos ng madaling araw ng dumating sa Davao City International Airport ang pangulo.Sa kanyang arrival speech, ipinagmalaki ng pangulo ang kanilang kasunduan ni Veitnam President Tran Dai Quang.Ayon sa pangulo, bubuo sila ng anim na taongaction plansimula 2017 para sa implementasyon ng tinatawag nacommon interestkabilang na ang maayos na pagresolba sa isyu ng West Philippine Sea.Dagdag pa ng pangulo, na nagkaisa rin sila na paigtingin ang kampanya laban satransnational crimekabilang ang illegal na droga.Bukod dito, nagkasundo rin ng dalawang bansa kaugnay ng maritime security partikular ang kaligtasan at seguridad ng mga mangingisda at ang freedom of navigation sa pinag-aagawang teritoryo.

Facebook Comments