Pulis na nahulihan ng halos 1 toneladang shabu, inirekomendang sibakin sa pwesto

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service na sibakin sa serbisyo si Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., Intelligence Officer PNP-Drug Enforcement Group (PDEG).

Ayon kay PNP Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo guilty si Mayo sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer.

Sinabi ni Gen. Triambulo na noon pang Enero a-9 ipinadala ang rekomendasyong pagkakasibak kay Mayo sa Directorate for Personnel and Records Management para naman sa approval ni PNP Chief Rodolfo Azurin.


Matatandaan noon Oktubre 2022, nakumpiska sa lending shop na pag-aari ni Mayo sa Maynila ang halos 1 toneladang shabu na nagkakahalaga ng halos ₱7 bilyon na isa sa pinakamalaking huli ng PNP.

Facebook Comments