PULITIKA? | Paglulunsad ng #BabaeAko social media campaign laban sa Pangulo, pamumulitika lamang – SAP Bong Go

Manila, Philippines – Bahagi lamang ng pamumulitika ang inilunsad na Babae Ako campaign sa social media laban sa umano ay pang-aalipusta ni Duterte sa kababaihan.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, noon pa man ay tagapag-taguyod na sa karapatan ng mga kababaihan ang Pangulo.

Sa katunayan aniya, noong mayor pa lamang ito ng Davao City ilang mga programa ang ipinatupad nito para sa mga kababaihan tulad ng Women Development Code at ang pagbuo sa Integrated Gender Development Division of Davao City.


Dahilan aniya kung bakit kinilala ang Davao City bilang Gender and Development Local Learning Hub ng Pilipinas.

Kaya naman ayon kay Go, ang mga akusasyon na mababa ang tingin ng Pangulo sa mga kababaihan, ay hindi makatarungan at bahagi lamang ng pamumulitika.

Facebook Comments