Cauayan City, Isabela- Alinsunod sa kagustuhang tuluy-tuloy na katahimikan at pag-unlad sa lalawigan ng Isabela, nagsagawa ng pulong ang kasundaluhan ng 502nd Infantry Brigade sa pangunguna ni BGen Danilo D Benavidez PA, kasama ang 86th at 95th Infantry Battalion, Isabela Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 02, Philippine Coast Guard, at National Bureau of Investigation-Isabela.
Pinag-usapan dito ang mga susunod na hakbang ng kasundaluhan at iba pang ahensya upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran para sa mga mamamayan ng Isabela.
Bukod dito, dahil sa mga ikinasang Community Support Program ng 86IB kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa Barangay San Francisco Sur, San Guillermo, Isabela, namulat ang mga residente sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF.
Noong ika-10 ng Abril, tinuligsa nila ang mga karahasan at pang-aabuso ng mga teroristang grupo sa pamamagitan ng kanilang isinagawang Indignation Rally.
Maging ang bayan ng Palanan ay nagdeklara na rin ng Persona non Grata laban sa mga CPP-NPA-NDF na pinatotohanan ng mga residente sa lugar.
Itinakwil na rin ng mga residente sa bayan ng Baggao, Cagayan ang mga teroristang NPA sa tulong ng 77th Infantry Battalion na kung saan problema ng mga mamamayan ng Baggao ang mga rebeldeng nanghihingi ng mga pagkain.
Naniniwala naman si Maj Jekyll Dulawan na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan at suporta ng mamamayan sa rehiyon sa pagpuksa at pagpigil sa local communist armed conflict sa bansa alinsunod sa ipinalabas na Executive Order no.70 ni Pangulong Rodrigo Duterte.