PUMALAG | Ama ng batang iniwan sa loob ng SUV, itinangging nag-iinom lang sila ng kanyang misis

Pasig City – Mariing itinanggi ng ama ng batang iniwan sa loob ng SUV sa isang parking lot sa pasig na nag-iinuman silang mag-asawa nang sandaling iyon.

Kwento niya, mag-aalas dos ng madaling araw nang dumating sila sa isang sikat na gimikan sa Ortigas at tulog noon ang bata.

Nagma-manage daw kasi sila ng restaurant sa lugar kaya iniwan muna ang anak sa loob ng sasakyan.


Binabalik-balikan naman daw ito ng kanyang misis kapag sinasabi ng gwardiya na gising na ang bata.

Dinala ang bata sa restaurant pero nang antukin, ibinalik siya sa sasakyan.

Iniwan daw ito ng kanyang asawa para kumain saglit pero tiniyak na may siwang sa bintana ng kotse.
Maya-maya ay dumating na naman ang gwardiya at sinabing gising na ang bata, umiiyak at may lalaking nagwawala.

Itinanggi rin ng ama ng bata na ilang oras nilang iniwan ang kanilang anak sa loob ng SUV gaya ng nakasaad sa viral na facebook post.

Facebook Comments