Kapag ikaw ay nagmahal hindi maiiwasan na ikaw ay masaktan. Nasaiyo nalang kung paano mo ihahandle yung sakit. Hindi rin magiging mabuti saiyo kung patuloy mong sasaktan ang iyong sarili. Kaya magbibigay ako ng ilang paraan on “How to Mend a Broken Heart”
- ACCEPT THE PAIN
Tanggapin mo ang sakit dahil hindi talaga ito maiiwasan kapag ikaw ay nagmahal. Kapag may nawala na importante sayo hindi maiiwasan na masaktan o malungkot ka dahil naging mahalaga ito sayo. Kailangan din natin tanggapin na wala na siya dahil parte ito ng healing process. “Acceptance” yan ang pinakamahalaga upang makapag move on. Dahil hinding hindi ka makakapagmove on kung sa sarili mo hindi mo pa tanggap ang kinahinatnan ng inyong relasyon.
- TRAVEL
Mahalaga rin sa pagmomove on ang ibaling mo ang atensyon mo sa iba. Kaya isang paraan din ang pagtravel sa iba’t ibang lugar upang ikaw ay makapagisip isip at malaman mo ang self- worth mo. Marami kang makikilalang ibang tao sa pagtratravel na makapagbibigay ng bagong dahilan kung bakit kailangan mo bumangon at ipagpatuloy ang buhay.
- LOVE YOURSELF
Hindi porket nagbreak kayo ay end of the world na. Hindi nakakatulong ang paginom ng alak kapag nakipagbreak sayo jowa mo. kahit gaano kasakit walang makakatulong sayo makamove on kundi ang sarili mo. kailangan mong alagaan at mahalin ang sarili mo dahil hindi makakabuti sayo kung papabayaan mo ito. Lagi mong tandaan na dapat mas mahal mo ang sarili mo kaysa iba.
- SPOIL YOURSELF
Lumabas ka at magliwaliw. Gawin mo lahat ng gusto mo. Kainin mo lahat ng gusto mo. hayaan mong magenjoy ka at makalimutan ang sakit. Tandaan mo “Happiness is the first step to forget”
- THINK POSITIVE
Wag mo hahayaan na makaapekto ang nakaraan mo sa kasalukuyan mong kasiyahan. Wag kang mawawalan ng pagasa na magiging maayos din ang lahat. Laging tumingin sa positibong pananaw.
Article written by Marc Arnold Mateo