Pyesa ng Bagong Motorsiklo sa Impounding Area ng POSD Cauayan City, Inireklamong Nawala!

Cauayan City, Isabela – Inireklamo sa RMN Cauayan ng isang kaibigan ang may-ari ng bagong motorsiklo na nawala ang pyesa nito matapos na maimpound sa lugar ng Public Office Safety Division (POSD) ng lungsod ng Cauayan.

Ayon kay Pastor Jomar Tayog ng Brgy Bantug Petines Alicia Isabela na nawala umano ang piyesa sa ibabaw ng karburador ng motorsiklo ng kanyang kasama sa simbahan.

Aniya, noong ika-walo ng Agusto ay hinuli ng mga kasapi ng POSD Cauayan City si Jestoni Sunday, nasa tamang gulang at residente ng San Manuel Isabela, dahil sa pagmamaneho na walang kaukulang helmet.


Dahil sa wala ring lisensya sa pagmamaneho si Jestoni ay ang bagong bago na honda tmx 125 nito ang kinuha ng mga kasapi ng POSD at dinala sa kanilang impounding area.

Ngunit kahapon (August 20, 2018) ay sinamahan ni Pastor Jomar si Jestoni para bayaran ang multa at kunin ang nahuling motorsiklo.

Nabatid na nawawala na ang naturang pyesa na kaagad namang ipinaalam sa tanggapan ni POSD Chief Alberto De Joya kung saan ay ginawan naman umano ng paraan o pinalitan na lamang ang nawalang pyesa upang maiuwi rin ng may-ari ang nasabing motorsiklo.

Facebook Comments