Isasara ang Quiapo Church sa araw ng kapistahan ng Black Nazarene sa Enero 9.
Ito ay sa harap nang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, kahit pista ng Itim na Nazareno ang naturang petsa ay isasara pa rin ang nasabing simbahan para maiwasan ang pagsisikan ng mga deboto.
Aniya, napagkasunduan nila ng pamunuan ng Quiapo Church na magsagawa na lamang ng mga online misa.
Maliban dito, wala rin aniyang isasagawang Traslacion ngayong taon.
Sinabi rin ng alkalde na mag-de-deploy rin ng mga pulis sa Quiapo Church para pauwiin ang mga taong magpupumilit na pumunta sa simbahan.
Maliban dito, magpapatupad din ang lungsod ng liquor ban sa Pista ng Itim na Nazareno mula alas-6:00 ng gabi ng Enero 8 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Enero 10.