Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, nagpositibo sa COVID-19

36

Kinumpirma ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Gatchalian na nagpositibo siya sa isinagawang routine work safety testing ng city hall.

Sa ngayon aniya ay nakararanas siya ng very mild na sintomas.


Tuloy naman ang kaniyang trabaho habang sumasailalim siya sa mandatory quarantine sa isa sa mga isolation facility ng lungsod.

Batay sa datos ng Valenzuela City Health Office, nasa 493 na ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod matapos na madagdagan ito ng 184 kahapon.

Facebook Comments