Cauayan City, Isabela- Wala nang binabantayang aktibong kaso ng COVID-19 ang mga health authorities sa lalawigan ng Quirino.
Ito ay makaraang makarekober ang isang pasyenteng positibo sa sakit mula sa bayan ng Diffun.
Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, wala nang naitalang aktibong kaso ang probinsya ngayong araw.
Nanatili sa 8,080 ang COVID-19 confirmed cases CASES sa probinsya at 7,817 naman ang nakarekober sa sakit at nanatili rin sa 262 ang COVID related death.
Ngunit patuloy pa rin sa pagpapaalala Pamahalaang Panlalawigan sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF upang matigil ang pagkalat ng virus, at hinimok ang mga hindi pa bakuando na magpaturok ng COVID vaccine upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.
Facebook Comments