Pangulong Duterte, pinapadagdagan ang ayudang ipamamahagi sa mga benepisyaryo ng 4Ps

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Sec. Carlos Dominguez na dagdagan ang ayuda na ipamamahagi sa pinakamahihirap na pamilya o benepisyaryo ng 4Ps.

Sa event sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na kulang ang P200 kada buwan para sa isang pamilyang may limang myembro.

Kaya iniutos ni Pangulong Duterte kay Secretary Dominguez, gawan ng paraan na makapagbigay ng P500 kada pamilya kada buwan.


Mahigpit namang tagubilin ng pangulo sa mga benepisyaryo na huwag gastusin ang ayuda sa e-sabong.

Facebook Comments